38 plea bargainers nagsipagtapos sa rehab program sa Calbayog City, Samar

4 days ago
7 Views
Ang 38 na mga plea bargainers na nagsipagtapos sa outpatient rehabilitation program sa Balay Silangan Daytime Rehabilitation Center, sa Calbayog City, Samar, sa pangunnguna ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang lungsod ng Calbayog at mga kaugnay na ahensya ng gobyerno. (Photo by Miriam Timan)

by Miriam Timan
Eagle News Service

CALBAYOG CITY (Eagle News) — Nagsipagtapos ang 38 na drug surrenderers na naghain ng plea bargain mula sa Catbalogan City at Calbayog City, sa lalawigan ng Samar sa outpatient rehabilitation program ng pamahalaang lungsod ng Calbayog.

Sila ang unang batch sa programang ito ng city government bilang pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga at sa pagtulong sa mga naging biktima nito.

Ang mga nagsipatapos ay sumailalim sa masusing paggabay at pagsasanay sa ipinatayong Balay Silangan Daytime Rehabilitation Center sa Brgy. San Policarpo, Calbayog City, sa ilalim ng pangangasiwa ng City Drug Abuse Prevention and Rehabilitation Office (CDAPRO), para tuluyan nang mailayo sa pinsalang dulot ng iligal na droga.

Naisakatuparan ang programang ito sa pakikipagtulungan ng Calbayog LGU, CDAPRO, Philipine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) Region 8.

Dumalo sa nasabing aktibidad si  Calbayog City mayor Ronaldo P. Aquino, PDEA 8 Regional Director Edgar Jubay, PNP PLtCol. Joel Cawilan Garcia, Hon. Charlie Coñejos, bilang representative ni congressman Edgar Sarmiento at CDAPRO Chief Dr. Teodoro Fortaleza.

Sa mensahe ni Mayor Aquino, binigyang-diin niya sa mga nagsipagtapos na huwag na nilang balikan ang kanilang bisyo at kung ano man ang maitutulong ng lungsod sa kanila ay maaari silang magpunta sa kaniyang opisina.

Samantala, nagpamalas din ang mga nagsipagtapos ng kanilang talento sa pag-awit sa isang choral presentation. Nagkaroon din ng konting salu-salo pagkatapos ng programa.

Let’s block ads! (Why?)

Agila Pilipinas – Eagle News

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Translate »